Mga Pinoy sa Ukraine, hindi mapapahamak

Photo: dfa.gov.ph

Tiniyak ng pangunahing diplomat ng Pilipinas sa mga Filipino na nasa Ukraine, na hindi sila mapapahamak sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan nito at ng Russia.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na tatawagan niya ang mga kinauukulan para ayusin ang ligtas na paglabas ng mga Pinoy mula sa Ukraine.

Ayon sa tweet ni Locsin . . . “Rest assured Filipinos in Ukraine will come to no harm; I will be on top of it personally.”

Si Locsin ay kasalukuyang nasa Cambodia para sa ASEAN Foreign Ministers Meeting, na aniya’y matatapos na sa loob ng dalawang araw.

Dagdag pa ng DFA chief, magtutungo siya sa Paris, na malapit-lapit na sa Ukraine, sa February 19 para naman sa ASEAN-EU meetings.

Tinukoy pa ni Locsin na ang pag-aasikaso sa paglilikas ng mga Filipino sa Ukraine, ay nasa ilalim ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.

Aniya . . . “It will be a land journey to the closest border; I expect the Americans to keep watch as they did and more discreetly in Libyan evacuations and rescues.”

Hanggang nitong Martes ng gabi, sinabi ng DFA na nakikipag-ugnayan ito sa EU upang matiyak ang ligtas na paglabas ng mga Pinoy sa magkabilang panig ng European borders.

Ayon sa ahensiya . . . “The situation in Ukraine is fluid and security conditions could change at any moment.”

Pahayag ng DFA . . . “We urge Filipinos in Ukraine to keep communication lines with the Philippine Embassy in Poland open, and wait for updates, bulletins and safety instructions.”

Maaaring kontakin ng mga Filipino sa Ukraine ang embahada ng Pilipinas sa Poland sa pamamagitan ng:

WhatsApp/Viber:

  • Emergency: +48 604 357 396
  • Assistance to Nationals: +48 694 491 663

Email: warsaw.pe @dfa.gov.ph

Nagbabala si US President Joe Biden na ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay nanatiling “napakalaki ng posibilidad.”

Ayon kay Biden . . . “Analysts indicate that they remain very much in a threatening position.”

Please follow and like us: