Mga pribadong eskwelahan naghihingalo na dahil sa epekto ng Covid-19
Nanghihingalo at unti-unti na umanong namamatay ang operasyon ng mga pribadong eskwelahan dahil sa matinding epekto ng Covid-19 Pandemic.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, nagpapasaklolo na ang Coordinating Council of Private Education Association (COCOPEA) sa gobyerno.
Sabi ng Cocopea, mula sa 15 percent ng nagpa -enroll sa Basic Education sa mga pribadong eskwelahan noong nakaraang taon na 4. 3 million, bumagsak na ito ngayon sa 2 milyon.
May mahigit 800 pribadong eskwelahan rin ang hindi makakapag-operate dahil hindi makatugon sa requirements ng DepEd na dapat full online learning.
Tila may double standard policy umano ang DepEd dahil ang mga Public schools ay pinayagan ang modality o pagbibigay ng mga learning materials taliwas sa mga pribadong eskwelahan na dapat ay fully online.
Inoobliga rin ang mga guro na dapat 100 percent na nakapag-training sa online teaching taliwas sa patakaran sa mga guro sa mga Public schools.
Bumagsak rin ang mga nagpa-enroll sa Junior at Senior High sa 700,000 mula sa dating 1. 3 million.
Inirekomenda na ng Private Education Assistance Committee na itaas ang I binibigay na incentives ng DepEd sa ilalim ng subsidy program para sa mga estudyante para mahimok silang magpa-enroll.
Sa kasalukuyan, kasi umaabot sa 9,000 ang subsidy sa mga urbanized area, 11,000 sa mga highly urbanized at 13,000 sa National Capital Region sa ilalim ng Government Assistance to Students and Teachers in Private education.
Sa ngayon, sinabi ng DepEd na all systems go na ang pagbubukas ng klase sa October 5 at wala na silang nakikitang problema para i-delay ito.
Meanne Corvera