Ilang produkto ng isang brand ng instant noodles sa Pilipinas, ligtas kainin- FDA
Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na safe for public consumption o ligtas kainin ang ilang produkto ng Lucky Me.
Ito’y matapos magpalabas ng alerto ang European Union dahil sa pagkakaroon nito ng ethylene oxide sa mga produktong pagkain.
Ayon sa FDA, ang mga apektadong batches na nakitaan ng ethylene oxide ay nagmula sa Thailand at hindi lokal na ginawa at ipinamamahagi sa Pilipinas.
Batay sa mga pagsusuri na isinagawa ng isang independent laboratory sa Vietnam, ang ethylene oxide ay hindi nakita sa mga sample ng mga sumusunod na variant: Pancit Canton Extra Hot Chili, Pancit Canton Regular, Pancit Canton Chilimansi, at Instant Mami Beef Regular.
Gayunman, ang kanilang Pancit Canton kalamansi ay nakapagtala ng ethylene oxide level na mas mababa sa acceptable level ng European Union na 0.02 milligrams per kilogram.
Bunsod nito, nakipag-ugnayan na ang FDA sa Monde Nissin Corporation para matiyak na hindi lumalagpas ang ethylene oxide levels nito sa mga produkto nito.