Mga pulis na umaresto sa road rage suspek sa Antipolo, ginawaran ng parangal ni PNP Chief General Rommel Marbil

Personal na ginawaran ng parangal ni Phil. National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ang mga tauhan ng Antipolo City Police station na mabilis na rumesponde sa nangyaring road rage sa Antipolo, Rizal.
Ginawaran ng medalya g kagalingan ang walong pulis na humabol at umaresto sa suspek. Ito ay kinabibilangan nina:
1. PLT ORLANDO SANTOS JALMASCO
2. PCMS RANNEL DELOS SANTOS CRUZ
3. PCpl KAVEEN-JOHN RUBIA VEA
4. PCpl JOEBAN ACOSTA ABENDAÑO
5. PCpl NIÑO CIPRIANO CHAVEZ
6. Pat REYLAN RIVAREZ DE CHAVEZ
7. Pat MICHAEL KEITH LALICAN PANGANIBAN at
8. Pat JOHN MARK BACLI MANAHAN
Matatandaan na apat ang nasugatan sa pamamaril kabilang ang mismong partner ng suspek, habang binawian na ng buhay ang isang rider na una nang naging kritikal ang lagay.
Kasalukuyang nakakulong sa Antipolo Police station ang suspek, na nakatakdang sampahan ng reklamong murder, multiple frustrated murder at paglabag sa election gunban.
Humingi naman ng paumanhin ang suspek nang kunan nang pahayag ng media, at sinabing nadala lang sya ng emosyon
Itinuturing ng PNP na isolated case ang insidente na agad ding naresolba.
Una nang nanawagan ang liderato ng PNP ng patas na pag-uulat kaugnay sa mga nangyayaring krimen, dahil malaki ang epekto ng media at social media sa public perceptions sa mga krimen.
Batay sa statistic, ay bumaba pa ng 26.76 percent ang naitatalang krimen mula noong Enero.
Upang tugunan ang krimen, ay inatasan ni Gen. Marbil ang lahat ng police unit na paigtingin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa publiko at pataasin ang kanilang crime prevention at law enforcement effort.
Mar Gabriel