Mga pumupuna sa Dutertenomics binuweltahan ni Pangulong Duterte
Tinawag ni Pangulong Duterte na mga duwag ang mga pumupuna sa kanyang Dutertenomics na magbibigay daan para infrastructure boom sa Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo na magaling lang magsalita at bumatikos ang kanyang mga kritiko.
Ayon sa Pangulo malakas ang kanyang loob na palakasin ang infrastructure projects sa ilalim ng kanyang administrasyon para mabigyan daan ang pag-unlad ng kabuhayan ng bansa.
Inihayag ng Pangulo na kung ang kanyang mga kritiko ang nakaupo ngyon sa puwesto ay hindi sila mangangahas na suungin ang pagpapalago ng inpraistraktura.
Nakarating sa kaalaman ng Pangulo ang banat ng kanyang mga kritiko na masyadong ambisyoso ang Dutertenomic program ng administrasyon.
Ulat ni: Vic Somintac