Mga reklamo laban sa mga lider ng Socorro Bayanihan Services, Submitted for Resolution na sa DOJ
Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa mga reklamo laban sa mga opisyal ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI).
Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, ito ay matapos maghain sa panel of prosecutors ng karagdagang kontra-salaysay ang mga lider ng Socorro.
Ilan sa mga reklamo laban sa grupo ay qualified trafficking, kidnapping, serious illegal detention, at child abuse.
Pinanumpaan din aniya muli ng ilang testigo ng SBSI respondents ang kanilang testimonya.
Humarap sa pagdinig ng DOJ ang mga lider ng SBSI kabilang na si Jey Rence Quilario alyas Senior Agila at ang mga sinasabing menor de edad na biktima.
Sa hearing ay kinontra ng kampo ng SBSI ang hirit ng NBI na precautionary hold departure order laban sa kanila.
Magsusumite naman ang NBI ng dagdag na ebidensya para suportahan ang hirit nila na PHDO.
Tiniyak naman ng DOJ na magiging patas at mabusisi ang imbestigasyon nito sa mga reklamo at igagalang ang karapatan ng lahat ng partido.
Moira Encina