Mga residente ng Region 1 papayagan nang makapasyal sa Baguio city
Ang domestic o local tourism ang tututukan ng husto ng Department of Tourism sa 2021.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, tatrabahuhin nila nang husto na mapalakas ang tiwala at confidence ng travel market sa Pilipinas bilang travel destination sa gitna ng pandemya at epekto nito.
Sinabi pa ni Puyat ang turismo ang backbone ng maraming Local Economy gaya ng Baguio City at Region 1.
Kaya naman ang summer capital ng bansa at ang Region 1 ang kanilang napiling pilot area para sa gagawing unti-unting pagbubukas ng turismo.
Ngayong araw, ilulunsad ang Ridge to Reef program kung saan ang mga residente ng Region 1 ay papayagang magtungo sa Baguio City pero kailangang masigurong masusunod ang minimum health standards.
Pero hanggang 200 bisita lang aniya ang papayagang makabisita kada araw.
Dagdag pa ni Puyat, maraming manggagawa sa tourism sector ang nawalan ng kabuhayan.
Sa pamamagitan ng Tourism Promotions Board nangako ang DOT na popondohan ang mga proyekto gaya ng Visitors Information and Tourist Assistance app para mai- manage ang arrivals ng mga turista sa Baguio City.
Madz Moratillo