Mga residente ng Sydney na fully vaccinated na, nag-picnic
Niluwagan na ngayong (Lunes) ang virus lockdown rules para sa mga fully vaccinated na sa Sydney.
Sa unang pagkakataon makalipas ang ilang buwan, pinayagan nang mag-picnic ang maliit na bilang ng grupo ng mga tao.
Nagtipon sa mga parke at beach ang mga pamilya at magkakaibigan, makalipas ang 11 linggong lockdown bunga ng outbreak ng Delta variant.
Subalit namamalaging mahigpit ang panuntunan, kung saan lima kataong fully vaccinated lamang ang pinapayagan na lumabas sa loob ng isang oras, habang mas mahigpit naman ang ipinatutupad sa mga lugar na virus hotspots.
Mananatili pa rin sa magkabilang panig ng Sydney, ang isang five-kilometer (three mile) travel limit.
Nakatakda na ring alisin sa buong Sydney at sa paligid ng estado ng New South Wales, ang stay-at-home orders para sa mga fully vaccinated na kapag ang double-dose vaccination rate ay umabot na ng 70 percent, na malamang ay mangyari sa Oktubre batay na rin sa kasalukuyang takbo ng vaccination rollout.
Umaasa ang mga residente ng Sydney na ang pagbabago sa panuntunan ay hudyat sa pagtatapos ng 18 buwan nang on-off restrictions subalit kailangan pa ring mag-ingat.