Mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Bulusan, maaari nang makabalik sa kanilang tahanan
Maaari nang bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente na apektado ng pagsabog ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na wala na silang na-monitor na maaaring magdulot ng malakas na pagsabog matapos ang phreatic eruption noong Linggo.
Bagamat patuloy pa aniya ang hydrothermal activity tulad ng pagkulo ng tubig at pamamaga ng bunganga ng bulkan, wala naman silang namomomitor na anumang magmatic eruption.
Sa nakalipas na 24 oras, limang volcanic earthquakes na lang rin aniya ang naitala, mas mababa na kumpara sa mga nakalipas na araw.
Pero mananatili aniya ang ipinatutupad na Alert level 1 at 4-kilometer danger zone sa paligid ng bulkan.
Meanne Corvera