Mga Returning Overseas Filipino, maaaring maka-avail ng booster shots ng Covid-19 vaccine
Maaaring makakuha ng booster shots o dagdag na bakuna ang mga kababayan nating bumabalik ng bansa.
Sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chief at Health Usec. Myrna Cabotaje, makaka-avail nito ang lahat ng Filipino adults, anim na buwan matapos makatanggap ng bakuna ng Sinovac, Pfizer, Moderna, Astrazeneca at Sputnik-V.
Para sa nabakunahan ng single shot na Janssen vaccine, ang interval ay tatlong buwan para sa booster shot.
Sinabi pa ni Cabotaje na kailangang may priority lanes sa vaccination centers ang mga nakatatanda at may comorbidities.
Please follow and like us: