Mga sangkot sa game-fixing sa MPBL noong 2019, inirekomenda ng DOJ na kasuhan sa korte
Nakitaan ng probable cause ng DOJ- National Prosecution Service para kasuhan sa korte ang ilang manlalaro at opisyal na dawit sa game- fixing sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL noong 2019.
Ayon kay Office of the Prosecutor General Spokesperson Atty. Honey Rose Delgado, 17 personalidad ang inirekomendang sampahan ng kasong game- fixing sa ilalim ng Section 1(a) Presidential Decree No. 1602 in relation to PD No. 483.
Kabilang sa mga pinakakasuhan ang mga players at coaching staff ng SOCCKSARGEN Marlins at ilang Chinese nationals.
Kinilala ang mga ito na sina:
- Mr. Sung – 14 counts
- Sonny Uy – 9 counts
- Serafin Matias, Jr. – 7 counts
- Ferdinand C. Melocoton – 4 counts
- Jake Diwa – 14 counts
- Exequiel A. Biteng – 13 counts
- Jerome Juanico – 14 counts
- Matthew Bernabe – 12 counts
- Abraham Santos – 10 counts
- Ricky Morillo – 1 count
- John Patrick Rabe – 7 counts
- Ryan Regalado – 9 counts
- Julio Magbanua, Jr. – 10 counts
- Janus Lozada – 1 count
- Joshua Alcober – 1 count
- @Kein aka Kein Zhu – 3 counts
- @Emma aka Emma Meng – 1 count
Pero, ibinasura ng DOJ ang mga reklamong betting at point shaving laban sa 17 dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Samantala, inabswelto ng piskalya sa asunto si SOCCKSARGEN Marlins team owner at dating PBA player Kevin Espinosa, EJ Avila, Nino Dionisio, at Nice Ilagan dahil sa kakulangan din ng ebidensya.
Ang reklamo laban sa mga manlalaro at opisyal ay inihain ng NBI at MPBL Commissioner Kenneth Duremdes sa DOJ .
Ayon sa NBI, nangyari ang game -fixing sa pagitan ng Hunyo hanggang Oktubre 2019 sa 18 laro ng liga na nilahukan ng Marlins sa ibat-ibang lugar.
Moira Encina