Mga sangkot sa kidnapping sa bansa gumagamit ng malalakas at mamahaling mga armas
Malalakas at mamahaling na armas na raw ang ginagamit ng mga sangkot sa kidnapping sa bansa
Ito ang iniulat ng Philippine National Police sa pagdinig ng Senado sa isyu ng mga krimen na nagaganap dahil sa operasyon ng mga POGO.
Katunayan sinabi ng PNP na nakumpiska nila sa Chinese Pogo Workers na sangkot sa kidnapping ang isang Kimber, CZ 75 at granada
Aminado ang PNP na nakakabahala ang kaso ng mga pagdukot na may kinalaman sa POGO.
Sa datos ng PNP noong 2021, umabot sa 44 ang kaso ng kidnap for ransom, 82 kidnapping serious illegal detention at 39 slight illegal detention
Mas mataas ito ng limang kaso nitong 2022, na naitala sa 172.
Meanne Corvera