Mga saradong negosyo dahil sa Covid-19, nasa 5 porsyento na lamang – DTI
Umaabot na lamang sa limang porsyento ang mga negosyong sarado dahil sa Covid-19 Pandemic.
Sa Budget hearing, sinabi ni Trade secretary Ramon Lopez na karamihan ng mga nananatiling sarado ay maliliit na negosyo.
Sa datos ng Department of Trade and Industry, 1.42 million na ang rehistradong negosyo sa buong bansa kung saan 99.6 percent dito ay Micro Small and Medium enterprises.
Sinabi poa ni Lopez, binibigyan naman aniya ng ayuda ng DTI ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng pagpapautang ng Small business corporation, isang GOCC na nasa ilalim ng DTI.
Samantala, bagaman 95 percent nang bukas ang mga negosyo, limitado pa rin ang operasyon dahil sa mga paghihigpit sa Pandemya at hindi pa lubos ang kumpiyansa ng publiko o consumers gaya ng mga negosyo sa Retail, transportasyon at turismo.
Meanne Corvera