Mga sasakyan, pahirapan sa pagdaan sa Bukidnon road patungong Davao, dahil sa nangyaring landslide

Courtesy: Mdrrmo Kitaotao

Pahirapan ngayon ang pagdaan ng mga pampasaherong bus sa Bukidnon to Davao road, dahil sa nangyaring lansdlside sa Purok-9 Sito Minalog, Kahusayan, Kitaotao, Bukidnon.

Bunsod nito, inabisuhan ng mga kinauukulan ang mga bumibiyahe na patungong Maramag-Davao Area, na patuloy sa magmonitor sa mga kaganapan.

Courtesy: MDRRMO Kitaotao

Nabatid na ang landslide ay resulta ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa lugar.

Pinapag-iingat din ang mga bumibiyahe sa nabanggit na lugar, dahil sa posibilidad ng panibagong pagguho ng lupa.

Samantala, agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways o DPWH, at Municipal Disaster Risk Reduction office ng Kitaotao, upang magdala ng heavy equipment para sa pagsasagawa ng clearing operation, at mai-alis ang mga nakahambalang na lupa sa daan.

Courtesy: MRRMO Kitaotao

Patuloy din ang pagmonitor ng mga awtoridad sa lugar, upang matiyak ang ligtas na pagbiyahe ng mga dumaraan.

Pepito Artianza

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *