Mga sasakyang dumadaan sa Edsa nabawasan dahil sa pagtaas ng presyo ng langis
Nabawasan ang bilang ng mga sasakyang dumadaan sa edsa matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis,
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA tinatayang humigit-kumulang 392,000 ang mga sasakyang dumaan sa Edsa noong Hunyo 9, mas mababa sa 417,000 noong Mayo 5.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes, ang nabanggit na bilang ay mas mababa sa average daily volume ng sasakyan na 405,000 sa edsa bago tumama ang COVID-19.
Dagdag pa ni Artes, mas pinipili ng mga may-ari ng kotse na huwag gamitin ang kanilang mga sasakyan habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis.
Please follow and like us: