Mga Senador hindi pabor na buwagin ang PCGG
Tutol ang mga Senador sa panukalang tuluyang buwagin ang Presidential Commission on Good Government o PCGG.
Ito’y matapos aprubahan ng Kamara ang panukalang batas na tuluyang mag aabolish sa PCGG kung saan ililipat na sa Office of the Solicitor General ang saklaw ng kapangyarihan nito.
Ayon kay Senate minority leader Franklin Drilon, haharangin ng oposisyon ang anumang hakbang na ipa-abolish ito sa Senado.
Sen Drilon:
“There were questions raised i have not seen the committee report its too early how the senate will act on it. Unless they van show. the functions can be effectively perform but I’m willing to listen to the debate”.
Iginiit naman ni senador Bam Aquino na mahalaga ang papel ng PCGG lalo na sa pagrecover ng mga umanoy ill gotten wealth.
Katunayan, sa 30 taon ng PCGG, naka recover na ito ng umaabot sa 3.6 billion dollars o 170 billion pesos mula sa umano’y ill gotten wealth ng pamilya Marcos.
Ang narecover na pondo aniya ay nagamit ng ng gobyerno para tustusan ang Comprehensive Agrarian Reform program ng gobyerno at reparation ng mga biktima ng Martial law.
Kung talaga umanong seryoso ang pamahalaan na walisin ang korapsyon sa pamahalaan dapat palakasin pa ang PCGG.
Senador Bam:
“Sa halip na buwagin mas magandang palakasin pa ang PCGG dahil marami pang pera at marami pang bank accounts ang hindi pa naibabalik sa mga Filipino”.
Ayon naman kay Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice. aprubado na sa committee level ng Senado ang panukala at sinisimulan na nila ang pagbalangkas ng Committee report.
Pero hindi siya papayag na tuluyang ipabuwag ang pcgg at isailalim ito sa kontrol ng OSG.
Ulat ni Meanne Corvera