Mga Senador hinimok si Congressman Arnie Teves na umuwi ng bansa at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya
Hinimok ng mga Senador si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., na umuwi ng bansa at harapin ang mga kaso alegasyon laban sa kaniya.
Si Teves ang itinuturo ng pamilya ni Governor Roel Degamo na umano’y nasa likod ng pagpatay.
Kapwa sinabi nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senador JV Ejercito na dapat umuwi na ng bansa si Teves at kahit miyembro ng Kongreso, dapat no one is above the law.
Umapila naman si Ejercito sa Philippine National Police na magsasagawa ng threat assessment sa lahat ng mga government officials.
Baka tulad ng Degamo may mga banta rin sa buhay ang iba pang nakaupong opisyal ng gobyerno.
Kasabay nito pinaiimbestigahan ni Ejercito ang lima sa anim na PNP personnel na naka-assign kay Degamo.
Ayon sa Senador baka kasabwat umano ang lima na hindi nagreport sa trabaho nang araw na mapatay si Degamo.
Hindi aniya ito nagkataon lang na sabay-sabay na hindi sumipot sa kanilang trabaho.
Meanne Corvera