Mga Senador lumagda para tutulan ang anumang pagkilos para sa People’s initiative
Lumagda na sa isang manifesto ang dalawamput apat na Senador para tutulan ang anumang pagkilos para sa people’s initiative bilang paraan ng pag-amyenda sa saligang batas.
Sa manifesto, nakasaad na hindi papayag ang Senado na patahimikin dahil ito ang huling balwarte ng demokrasya.
Ayon kay Zubiri, iginagalang nila ang karapatan ng taumbayan na paamyendahan ang saligang batas pero dapat bantayan ang anumang lihim na pananamantala sa demokratikong proseso sa ilalim ng kunwari ay people’s initiative.
Patuloy aniyang kumikilos ang mga Kongresista para tuluyang i etchapwera ang Senado na malinaw na panimula sa malawak na pag- amyenda sa konstitusyon at ipasok ang mga probisyon para sa personal na interes ng mga gustong maupo sa pwesto.
“with this change, the senate is left powerless to stop even the most radical proposals: we cannot protect our lands from foreign ownership;we cannot stop the removal of term limits or a no election scenario in 2025, or worse,in 2028. – pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri
Ang manifesto inilabas ng Senado matapos ang ipinatawag na all member caucus kahapon.
Sinabi ni Senador Joel Villanueva, hindi na interesado ang mga Senador na ipursige pa ang panukalang amyendahan ang economic provisions.
Hindi kasi mapagkatiwalaan ang mga Kongresista na tuloy ngayon ang pagkilos at pagpapa pirma para isulong ang people’s initiative .
“ nagkainitan ng ulo ng ating mga kasamahan sa senado sa nangyayyaring pagpapapirma kaya nakakalungkot isipin dapat sagutin ng aming kadeal kung ano ang kanilang pakay. maraming kaibigan sa kamara ang matatamaan sa nais kong sabihin. maraming kaibigan akala ko kaibigan pero yun pala “-sinabi ni Senador Joel Villanueva
Dismayado ang mga senador dahil kumikilos pa rin ang mga Kongresista kahit may inihaing resolusyon sa Senado sina Senate president Juan Miguel Zubiri, Senador Sonny Angara at Loren Legarda na humihiling na busisiin na ang ilang probisyon na may kinalaman sa ekonomiya.
Ayon kay Villanueva, desidido talaga ang Kamara na isulong ang people’s initiative batay sa kanilang mga pag-iimbestiga.
Meanne Corvera