Mga Senador makikipagpulog kay Pangulong Duterte sa susunod na linggo para talakayin ang BBL at Martial Law
Kinumpirma ng liderato ng Senado ang nakatakdang pagpupulong ng majority bloc kay Pangulong Rodrigo Duterte sa July 17, ilang araw bago ang inaasahang pagtatapos ng 60 day Martial Law period.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, kasama sa kanilang agenda ang posibleng pagpapalawig sa Martial Law sa Mindanao at ang panukalang Bangsamoro Basic Law.
Kung si Pimentel ang tatanungin, hindi pa siya kumbinsido na kailangang palawigin ang batas militar maliban na lamang kung magsasagawa ng panibagong military briefing.
Nauna nang hiniling ng mga Senador na muling magpatawag ng briefing ang Senado bago ang expiration ng Martial Law sa July 22 para malaman kung kailangan itong palawigin o limitahn na lamang sa ilang probinsya na may presensya ng Maute group.
Ulat ni: Mean Corvera