Mga Senador, nais bigyan ng Medal of honor si Hidilyn Diaz
Inaprubahan sa Senado ang resolusyon na magtatag ng Senate Medal of Honor for outstanding Filipinos.
Sa resolusyon na inihain nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Sonny Angara at Francis ‘Tolentino, kasama sa mga nais nilang mabigyan ng medal of honor ang weightlifter na si Hidilyn Diaz.
Nagpaabot ang mga Senador ng pagbati kay Diaz matapos masungkit ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa Tokyo olympics.
Ang mga kwalipikado sa medal of honor ay mga pilipinong nakapagbigay ng integrity, patriotism, nationalism, at hard work sa anumang larangan na nagbibigay ng pag asa sa mga kapwa filipino.
Sinabi ni Angara garantisado naman ang sampung milyong pisong premyo kay Diaz batay sa itinatakda ng Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Ayon kay Angara na pangunahing may akda ng batas na bukod sa sampung milyong piso makakatanggap ito ng Olympic Gold Medal of Valor mula sa iPhilippine Sports Commission habang limang milyong piso ang ibibigay sa Kaniyang mga coach.
Nakikiisa si Angara sa mga nagpaabot ng papuri at pasasalamat kay Diaz na itinayo ang bandera ng Pilipinas sa buong mundo.
Kasabay nito, inaprubahan rin ang labing apat na resolusyon na humihiling ng pagkilala at pagbibigay ng parangal si Diaz.
Sa mga resolusyong inihain nina Senate President Vicente Sotto, Senator Franklin Drilon, Lito Lapid, Bong Go at sampung iba pa, isang inspirasyon si Diaz sa mga filipino na dumadaan ngayon sa matinding problema tulad ng pandemya.
Meanne Corvera