Mga Senador, nakiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan…Paglaban sa banta ng kahirapan at kawalan ng hustisya, ipinanawagan
Nakikiisa ang mga Senador sa paggunita ng Araw ng Kagitingan.
Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, hindi dapat kalimutan ng mga Filipino ang ipinamalas na katapangan ng mga bayani para ipagtanggol ang kalayaan.
Pero ayon kay Pimentel, dapat maging matapang ang lahat ng Filipinong labanan ang anumang banta ng pag-atake sa soberanya ng bansa.
Para kay Senador Grace Poe, dapat ring kilalanin ang naging kontribusyon ng mga sundalo at mga Filipino na nakipaglaban para sa kapayapaan ng bansa.
Kabilang na rito ang mga sundalo na namatay para labanan ang mga terorista na nagtangkang sakupin ang Marawi city at mga miyembro ng PNP-Special Action force na nakipagbakbakan sa Maguindanao.
Pero aminado si Poe na kailangan pa rin ngayon ang tapang ng mamamayan para labanan ang kahirapan at kawalan ng hustisya na patuloy na nagbabanta sa Pilipinas.
“We join the Filipino nation in commemorating the Day of Valor and the Philippine Veterans’ Week, and salute our veterans who exemplified true patriotism and gallantry for our democracy. We have faced challenges and threats that displayed genuine courage of the Filipinos—the soldiers in Marawi City, the SAF 44, peacekeepers, crime fighters, ordinary civilians who guard their communities”–Senador Poe.
Ganito rin ang pahayag ni Senador Francis Pangilinan
Iginiit ni Pangilinan na dapat magpakita ng tapang ang mga Filipino para laban ang aniya’y mga maling hakbang ng gobyerno.
Kasama na rito ang mga kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa Extra judicial killings, pagpapakulong kay Senador Leila de Lima at mga dawit sa anomalya kaya nawala ang suplay ng NFA rice sa mga pamilihan.
“All Filipinos who fight against oppression and right the wrong are valiant. The killing of drug suspects is wrong, the imprisonment of Senator Leila de Lima is wrong, misogyny is wrong, giving away Philippine islands is wrong, having zero NFA (National Food Authority) rice stocks is wrong, and many more”- Senador Kiko Pangilinan.
Ulat ni Meanne Corvera