Mga Senador nasa France para sa pulong kaugnay ng bilateral relations
Nasa France ngayon ang Mayorya sa mga Senador para makipagpulong sa kanilang counterpart para paigtingin ang bilateral relations ng Pilipinas at France.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang meeting na ito ay oportunidad para i-assess ang malakas na ugnayan ng ugnayan ng Pilipinas at France.
Kabilang aniya sa mga paksa na kasama sa kanilang agenda ay global challenges ng climate change at kung paano mapapaangat ang ekonomiya.
Pagkakataon aniya ito para maipahayag ang plano at involvement ng Pilipinas sa Climate change at ang commitment ng bansa sa Paris Agreement.
Ito ay isang International climate change treaty na pinagtibay noong 2015 kung saan miyembro rin ang United Nations Framework Convention on Climate Change.
Makakausap aniya nila ang France-Southeast Asia Parliamentary Friendship Group na pinamununuan ni Senator Mathieu Darnaud.
Ang Philippines-France Parliamentary Friendship Association ay pinamumunuan ni Legarda, na siyang founder at president nito.
Kasama ni Legarda sa France sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senador JV Ejercito, Lito Lapid, Nancy Binay, Grace Poe at si Christopher Bong Go.
Meanne Corvera