Mga Senador pinaiimbestigahan ang ginawang pagbangga ng Chinese Coastguard sa barko ng PCG
Pinaiimbestigahan ng mga Senador ang ginawang pagbangga ng Chinese Coastguard sa resupply mission ng Philippine Coast Guard sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Senador Francis Tolentino dapat busisiin ng International Convention for the Safety of life at the sea o SOLAS at Code for Investigation ng Marine casualties ng International Maritime Organization ang naturang insidente.
Kinondena ng Senador ang panibagong pambubully ng Chinese Coastguard na isang delikadong hakbang dahil maaring malagay sa balag ng alanganin ang buhay ng mga sakay ng barko ng PCG.
Para kay Senador Jinggoy Estrada ang pagtatangka na harangin ang resupply mission ay pag-atake na sa mga maritime personnel at paglabag sa Sovereign rights ng Pilipinas.
Dapat pag-aralan na aniya ng gobyerno ang susunod na hakbang dahil wala namang nangyayari sa mga diplomatic protest na inihahain ng gobyerno.
Meanne Corvera