Mga Senador sa gov’t agencies: kumilos at ilabas ang pondong hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan 2
Pinakikilos ng mga Senador ang mga ahensya ng gobyerno para sa paglalabas ng hindi pa na gagastos na pondo sa ilalim ng bayanihan to Recover as One law o Bayanihan 2.
Sinabi ni Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate Committee on Finance na mag -e -expire na sa susunod na linggo ang batas pero may ilang bilyong pisong pondo pa ang hindi nagagastos.
Ayon kay Angara, inihabol nila noong disyembre ang pagpapalawig ng Bayanihan law 2 hanggang sa June 30 para magamit ang pondo sa mga programa ng gobyerno para tugunan ang problema sa COVID 19 pandemic pero nakapagtatakang hindi pa rin ito na disburse.
Katunayan sa nakuha aniya nilang datos sa Department of Budget and Management hanggang noong May 18, 60. 9 billion pa ang natitira sa 165. 5 billion na pondo na inilaan ng kongreso sa Bayanihan 2 .
May mga ahensya na delay ang utilization dahil na rin sa mabagal na bidding process at kawalan ng sapat na datos para sa mga benipisyaryo nito.
Babala ng Senador, maaring makakaapekto ang aksyon ng mga ahensya ng ito oras na talakayin ng senado ang panukalang budget para sa susunod na taon.
Paalala ni Angara hindi na maaring gamitin ang natitirang pondo oras na mag expire ang batas sa June 30 maliban na lamang kung magpapatawag ng special session ang pangulo para palawigin pa ng kongreso ang implementasyon ng Bayanihan law 2.
Sa Kasalukuyan ay nakaadjourn ang Kamara at Senado at sa July 27 pa sila babalik sa sesyon.
Para naman kay Senador Francis Pangilinan, nasa Malacanang na ang bola kung magagamit pa ang bilyon bilyong pisong pondo.
Maari pa naman aniyang ilaan ang pondo sa mga kontrata ng gobyerno sa loob ng pitong araw para hindi ito maibalik sa national treasury.
Meanne Corvera