Mga Senador thumbs up sa appointment kay Locsin bilang Special Envoy to China
Umaasa ang mga Senador na mapaplantsa ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at China sa isyu ng West Philippine Sea.
Kasunod ito ng pagkakatalaga kay dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin jr. bilang Special envoy for special concerns sa China.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri napatunayan na ang pagiging bihasa at kakayahan ni locsin sa pakikipag-ugnayan sa China.
“He is extremely loyal to the cause of protecting the sovereignty of our country as proven by the hundreds of diplomatic protests that he personally filed on behalf of our country during the duterte presidency. his familiarity with the leaders of china as well as their methods is what makes him perfect for the job. i wish him godspeed” pahayag ni Senate president Juan Miguel Zubiri
Para naman kay Senador JV Ejercito, kilala si Locsin bilang trouble shooter noong kalihim pa ito ng DFA.
Maganda aniya ang timing ng pagkakatalaga sa kanya sa puwesto ngayong matindi ang ginagawang pangha-harass ng Chinese Coastguard sa West Philippine Sea.
“he is a known troubleshooter during his dfa days. yes it’s still important to keep lines open in the midst of west philippine sea conflict sinabi ni Senador JV Ejercito
Umaasa naman si Senador Grace Poe na malayang makakapaglayag sa West Philippine Sea ang mga mangingisdang pinoy, Philippine Coast guard at Navy .
Isa aniyang sanay na diplomat si Locsin na walang takot na gumawa ng mga hakbang para protektahan ang interes ng mga pilipino.
“He is an adroit diplomat and skilled leader, unafraid to go to whatever lengths necessary for the best interest of the filipinos. we hope he can help the country navigate through the rough waters of the west philippine sea to defend and protect what belongs to us. statement ni Senator Grace Poe
Bagamat hindi pa tiyak ang lawak ng magiging trabaho ni Locsin, sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na pinatunayan lang ng Pangulo na nais nitong tugunan ang alitan sa teritoryo sa China sa pamamagitan ng pagpapadala sa dating embahador .
Sa pamamagitan din ng pakikipagnegosasyon ni Locsin seryoso ang Pangulo sa pagsusulong ng kaniyang Foreign policy na friend to all at enemy to none pero hindi nasasakripisyo ang interes ng bansa.
“Pinatuyan din ng Pangulo ang pagiging tapat niya sa mga naunang pahayag na nais niyang tugunan ang mga alitan sa teritoryo ng pilipinas sa china sa pamamagitan ng diplomatikong negosasyon at panindigan ang pagiging “friend to all and an enemy to none” ng ating bansa.accept as final to make note of the final script” pahayag naman ni Senador Jinggoy Estrada
Meanne Corvera