Mga staff ng BBC hinimok na i-delete ang TikTok dahil sa pangamba tungkol sa data collection
Inihayag ng BBC na inatasan nito ang kanilang staff na i-delete na ang Chinese-owned video app na TikTok, maliban na kung kinakailangan dahil sa “business reasons,” bunsod ng mga pangamba na nangongolekta ng data ang app.
Iniulat ng British broadcasting giant na pinadalhan nila ng mensahe ang kanilang staff kung saan nakasaad, “We don’t recommend installing TikTok on a BBC corporate device unless there is a justified business reason. If you do not need TikTok for business reasons, TikTok should be deleted.”
Naging mahigpit ang Western authorities sa kanilang “approach” sa app na pagmamay-ari ng kompanyang ByteDance, banggit ang mga pangamba na ang user data ay maaaring ginagamit o inaabuso ng Chinese officials.
Noong Huwebes ay inanunsyo ng UK ang pagpapatupad nila ng isang security ban sa TikTok sa government devices, kaugnay ng hakbang ng European Union at ng Estados Unidos.
Ayon sa BBC, “We take the safety and security of our systems, data and people incredibly seriously, and while usage of TikTok on our corporate devices is still permitted for editorial and marketing purposes, we will continue to monitor and assess the situation.”
Ang BBC ay naglunsad ng maraming pages sa app sa pagtatangkang maabot ang mga bagong audience, at ang kanilang official account ay mayroong 4.4 million followers.
Samantala, matagal nang iginigiit ng ByteDance na hindi nila itinatago ang data sa China o ibinabahgi man ito sa Beijing.
© Agence France-Presse