Mga staff ni Chief Justice Sereno, naghain ng kontra-salaysay sa DOJ kaugnay sa reklamong inihain laban sa kanila dahil sa pagkuha ng IT Consultant

Naghain na ng counter-affidavit sa DOJ ang mga staff ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno kaugnay sa mga reklamong inihain laban sa kanila ni Atty. Lorenzo Gadon dahil sa pagkuha ng Information Technology consultant ng Korte Suprema nang hindi idinaan sa Public bidding.

Kasama ang kanilang mga abogado, humarap at pinanumpaan sa DOJ prosecutors nina ATTY. MA. LOURDES OLIVEROS, Chief of Staff ni SERENO at ATTY. MICHAEL OCAMPO mula sa Office of the Chief Justice  ang kanilang kontra-salaysay.

Sila ay ipinagharap ni Gadon ng mga reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Act.

Bigo namang sumipot sa pagdinig at maghain ng kanyang counter-affidavit ang  IT Consultant na si Helen Macasaet at ang abogado lamang nito ang dumalo sa preliminary investigation.

Binigyan ng piskalya si Macasaet hanggang Mayo 9 para magsumite ng kontra-salaysay.

Mayroon naman hanggang May 17 si Gadon para  magsumite ng kanyang tugon o reply affidavit sa lahat ng kontra salaysay ng mga respondents at May 24 naman ang mga staff ni sereno para magsumite ng kanilang rejoinder.

Sa reklamo ni Gadon, sinabi na idinaan sa negotiated procurement o direct negotiation sa halip na public bidding ang pagkuha kay macasaet bilang it consultant kahit lagpas sa anim na buwan ang serbisyo nito.

lagpas din anya sa compensation ceiling na itinakda ng Department of Budget and Management para sa Professional Consultative services ang kompensasyon na inirekomenda nina Oliveros at Ocampo na matanggap ni Macasaet na umaabot sa 10.6 million pesos sa loob ng apat na taon.

Aniya para sa unang kontrata, 100,000 piso ang kompensasyon kada buwan ni Macasaet pero sa mga sumunod ito ay 250,000 piso  na.

Nabatid din anya na magkakilala dati pa sina Oliveros at Macasaet.

Pinaghiwa-hiwalay din daw ang Contract of Service ni Macasaet na umabot sa walong kontrata sa loob ng mahigit apat na taon.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *