Mga sundalo at pulis na nabalda sa giyera sa Marawi City bibigyan ni Pangulong Duterte ng trabaho
Tiniyak ni Pangulong Duterte na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga sunadlo at pulis na nasugatan at nabalda dahil sa giyera sa Marawi City.
Sinabi ng Pangulo na bibigyan niya ng trabaho ang mga sundalo at pulis na puwede pang magtrabaho samantalang ang mga hindi na makapagtrabaho ay susuportahan ng gobyerno ang kanilang pangangailangan.
Ayon sa Pangulo pananagutan ng pamahalaan na kinalalanin ang kabayanihan ng mga sundalo at pulis na bayani ng digmaan sa Marawi City laban sa teroristang Maute group.
Inulit din ng Pangulo ang pangako sa pamilya ng mga namatay na sundalo at pulis na hindi rin sila pababayaan ng gobyerno dahil ,ayroon ng nakalaang pondo para sa mga naulila ng sundalo at pulis.
Ulat ni Vic Somintac