Mga sundalong tatanggi sa Covid vaccine, idi-discharge ng US Army
Inanunsiyo ng US Army na sisimulan na nilang mag-discharge ng mga sundalong tatangging sumunod sa mandatory Covid-19 vaccination rule.
Ayon kay Secretary of the Army Christine Wormuth . . . “Unvaccinated soldiers present risk to the force and jeopardize readiness. We will begin involuntary separation proceedings for soldiers who refuse the vaccine order and are not pending a final decision on an exemption.”
Aniya, higit 3,000 sundalo ang maaaring ma-discharge.
Ang army ay mayroong 482,000 active duty personnel sa pagtatapos ng 2021.
Hanggang noong January 26, anim na high-ranking officers kabilang ang dalawang battalion commanders ang inalis na sa puwesto dahil sa pagtangging mabakunahan laban sa Covid-19.
Ang army ay nag-isyu na rin ng written “reprimands” sa 3,073 mga sundalo na tumanggi ring magpabakuna.
Noong kalagitnaan ng Oktubre, inanunsiyo ng US Navy na patatalsikin nila ang mga personnel na tatangging mabakunahan laban sa Covid-19.
Sa isang press release ay sinabi ng navy na nasa 8,000 active duty at reserve service members ang hindi pa rin bakunado
Nasa 97% naman ng tinatayang 1.4 million active duty US military personnel ang nakatanggap na one dose ng Covid-19 vaccine ayon sa Pentagon.
End