Mga taga Morocco, nag-protesta dahil sa pagtaas ng presyo at ‘panunupil’
Nagmartsa ang mga nagpoprotesta sa Rabat, kapitolyo ng Morocco upang tuligsain ang anila’y “high cost of living” at panunupil, sa gitna ng mataas na inflation at ‘social discontent.’
Batay sa pagtaya ng mga mamamahayag, halos tatlong libong katao ang sumama sa protesta. Ito na ang pinakamaraming bilang ng protesters sa nakalipas na ilang buwan. Nasa pagitan naman ito ng 1,200 hanggang 1,500 ayon sa pulisya.
Sinabi ni Younes Ferachine, isang coordinator mula sa Moroccan Social Front (FSM) group ng political parties at left-wing trade unions na siyang nag-organisa sa rally, “We came to protest against a government that embodies the marriage of money and power.”
Nagtipon ang mga tao mula sa magkabilang panig ng Morocco para sa protesta, na tinawag din upang i-highlight ang mga kaso ng ilang nakakulong na mga blogger at mamamahayag.
Sa isang ulat, ay sinabi ng High Commission for Planning ng gobyerno, “Hit by the economic impact of the Covid-19 pandemic and inflation, poverty levels are back to where they were in 2014.”
Ang consumer price inflation ay 7.1 percent year-on-year noong Oktubre, dahil sa malaking bahagi ng pagtaas ng presyo ng pagkain na bahagyang dulot ng matinding tagtuyot na tumama sa mga magsasaka.
Sa gitna ng mga protesta, kamakailan ay isinulong ni Prime Minister Aziz Akhannouch ang pagpapalawak ng medical coverage, kung saan may higit sa 10 milyong low-income Moroccans ang nagpatala sa mga nakaraang linggo.
© Agence France-Presse