Mga taong madalas kumain sa fast food, mas madaling magkasakit ayon sa eksperto
Sa dami ng naglipanang fast food sa kasalukuyan, madali na itong puntahan ng mga tao.
Maging ang mga bata pa lang ay madaling matutunan ang mga pagkaing mabibili sa fast foods kaya naman ito ang madalas nilang hingin sa kanilang mga magulang.
Kaugnay nito, sinabi ni Dra. Meddie Edodollon, integrative medicine doctor mula sa holistic integrative care center, kung magiging keen observer lang ang publiko, mapapansin nila na ang madalas na dinadapuan ng karamdaman ay ang mga taong palakain ng matataba (oily), maaalat at matatamis na pagkain.
Binigyang diin pa ni Dra. Edodollon na mas masarap ang mga pagkaing walang artificial flavoring at walang instant seasonings.
Ulat ni: Anabelle Surara