Mga tauhan ng BJMP Ilagan, nabakunahan na
Masaya si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 2 Health Officer Juliet Miranda, dahil nagsimula na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa kanilang hanay.
Ang mga tauhan ng BJMP Ilagan ang unang nakatanggap ng Covax vaccine sa hanay ng BJMP sa buong Region 2.
Pitongdaan at sampung tauhan ng BJMP SA Region 2, mula sa 18 pasilidad nito ang nabakunahan.
Maingat namang ipinatupad ng pamunuan ng BJMP ang health protocol sa panahon ng pagbabakuna, at off limits na rin muna ang mga dalaw.
Samantala, masaya rin ang iba pang frontliner sa Ilagan City, dahil sila man ay nabakunahan na rin.
Sinabi ni City Management Traffic Group (CTMG) Supervisor Sherwin Balloga, napakalaking tulong sa kanila na mabakunahan, dahil sila ang isa sa unang humaharap at sumasala sa mga dumarating o pumapasok na mga tao sa syudad.
Dalawampu’t apat ang nabakunahan sa BJMP Ilagan, habang 80 naman mula sa CTMG.
Ipinagpasalamat naman ng mga frontliner na naging maagap ang city government ng Ilagan sa pangunguna ni Mayor Josemarie Diaz, upang mabakunahan ang nasa first line of defense ng lungsod.
Ulat ni Erwin Temperante