Mga TELCO sa bansa , wala ng dahilan para manatiling pangit ang kanilang serbisyo sa ilalim ng Bayanihan 2 act – malacañang
Wala ng dahilan ngayon ang mga telecom companies para hindi gumanda ang kanilang serbisyo ngayong batas na ang Bayanihan 2 we rocover as one.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kabilang sa probisyon sa nilagdaang batas ang pagbibigay ng special power kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang sinuspinde ang requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng telco at internet infrastructure.
Ayon kay Roque na lahat ng pending at new applications para sa pagpapatayo ng bagong cell sites, cell towers, roll-out ng fiber at iba pa ay kinakailangang madesisyunan sa loob ng seven working days mula sa araw na matanggap ang application.
Inihayag ni Roque kung walang aksiyon mula sa kinauukulang ahensiya ng gobyerno ituturing na approved na ang isang application.
Iginiit ni Roque lahat ng kailangan para gumanda ang serbisyo ng internet ay binigay na sa mga service providers kaya wala nang lusot ang mga ito kung palpak pa rin ang kanilang serbisyo.
Ang pangit na serbisyo ng internet ang pangunahing problema sa bansa lalo na sa mga on line service transaction ngayong panahon ng pandemya ng covid 19.
Vic Somintac