Mga TELCOS pinag- sasauli ng bayad sa mga subscriber na maapektuhan ng kanilang mga palpak na serbisyo
Nais ni Senador Lito Lapid na ipasauli ang bayad ng mga telecommunications company at mga internet service providers kapag pumalpak ang kanilang serbisyo.
Sa Senate bill 2092 ni Lapid , pinaaamyendahan nito ang Republic Act 7925 o Public telecommunications policy act of the Philippines.
Ito’y para maobliga ang mga TELCOS na magrefund sa kanilang mga customer kapag naputol ang serbisyo o Internet signal ng lagpas sa bente kwatro oras.
Dapat aniyang magkaroon ng Automatic refund o adjustment sa billing ng isang customer kapag pumalpak ang sebisyo para hindi na kailangang pumunta pa sa mga service centers ang mga subscriber.
Giit ng Senador , madalas naaagrabyado ang subscribers at walang magawa kapag nagkaroon ng mataga; na interruption sa internet service .
Meanne Corvera