Mga tindero sa palengke, priority sa libreng Swab Testing sa Maynila
Prayoridad na mabigyan ng libreng swab testing ang mga tindero at tindera sa mga palengke sa Maynila.
Ang libreng swab test ay maaaring. Makuha sa laboratoryo ng Sta. Ana Hospital.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, inatasan na nya ang Manila Health Department para ipa-facilitate ang swab tests.
Layon nitong masiguro ang kaligtasan hindi lang ng mga nagtitinda sa palengke kundi maging mga nagtutungo rito.
Paliwanag ng alkalde isa ang palengke sa matataong lugar na laging pinupuntahan ng mga Manilenyo para makabili ng makakain.
Nagbigay rin aniya ang lokal na pamahalaan ng face masks at face shields bilang proteksyon laban sa virus.
Samanta, plano rin ni Mayor Isko na magbigay ng libreng COVID-19 testing sa mga pedicab, tricycle at jeepney drivers sa lungsod.
Una rito, naglunsad ang Manila LGU ng libreng walk in at drive thru covid testing sa lungsod.
Ang testing centers na ito bukas sa lahat, residente man ng Maynila o hindi.
Madz Moratillo