Mga turista inilikas, flights kinansela habang tinutumbok ng Hurricane Beryl ang Mexico
Naghanda na ang mga tourist resort sa Yucatan Peninsula ng Mexico para sa pagtama ng Hurricane Beryl, na taglay pa rin ang napakalakas na hangin matapos manalasa sa Jamaica at Cayman Islands.
Pagkatapos bumaba sa Category 2, sinabi ng US National Hurricane Center (NHC) na muli itong lumakas sa Category 3, na may hanging aabot sa 185 kilometers (115 miles) per hour bago ang inaasahang paglandfall ngayong Biyernes.
Hanggang alas-9:30 kagabi (0130 GMT Friday), ang bagyo sa Caribbean ay nasa 260 kilometers (160 miles) sa timog-silangan ng Tulum. Ang resort city ay nasa dalawang oras ang layo sa timog ng isa pang pangunahing tourist destination sa rehiyon, ang Cancun.
Ang bagyo ay nag-iwan na ng bakas ng pagkawasak sa magkabilang panig ng Caribbean at baybayin ng Venezuela, kung saan pito katao ang namatay.
Sa Mexico, ang mga paaralan sa lugar na inaasahang tatamaan ay nagsuspinde na ng mga klase at nagtayo na rin ng shelters para sa mga mamamayan doon at mga dayuhan.
Sa Cancun, ilang araw nang nag-iipon ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ang mga tao, habang tinakpan naman ng mga hotel ng makakapal na tabla ang kanilang mga bintana.
Kinansela rin ang nasa 100 domestic at international flights na naka-schedule ng Huwebes at Biyernes sa Cancun airport, na siyang main hub sa Mexican Caribbean.
Access to a beach remains closed ahead of Hurricane Beryl’s arrival in Cancun, Quintana Roo State, Mexico, on July 4, 2024. Tourist resorts in Mexico’s Yucatan Peninsula girded Thursday for a hit from Hurricane Beryl, which is still packing ferocious winds after slamming Jamaica and the Cayman Islands. (Photo by Elizabeth Ruiz / AFP)
Ang Hurricane Beryl ay inaasahang tatama sa Yucatan Peninsula, lalabas sa Gulf of Mexico, at darating sa northern state ng Tamaulipas, na may hangganan ng Estados Unidos.
Daan-daang mga turista ang inilikas na rin mula sa mga hotel na nasa kahabaan ng baybayin ng Mexico, habang ang ilan ay nagtangka namang sumakay ng mga bus palayo sa “impact zone.”
Nagdeploy na rin ang Mexican army ng may 8,000 sundalo sa Tulum at inanunsiyo na mayroon silang food supplies at 34,000 litro ng purified water na ipamamahagi sa mga tao.
Ang Hurricane Beryl ay nagdulot na ng flash floods at mudslides sa Cayman Islands.
Sa Jamaica, mahigit sa 400,000 katao ang walang suplay ng kuryente, ayon sa Jamaica Gleaner newspaper, banggit ang isang public service company.
Ayon sa US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), “Warm ocean temperatures are key for hurricanes, and North Atlantic waters are currently between two and five degrees Fahrenheit (1-3 degrees Celsius) warmer than normal.”
Sinabi naman ni UN climate chief Simon Stiell, “Climate change was ‘pushing disasters to record-breaking new levels of destruction.’ Disasters on a scale that used to be the stuff of science fiction are becoming meteorological facts, and the climate crisis is the chief culprit.”