Mga undocumented na Pinoy sa US, handang tulungan ng DMW sa posibleng mass deportation

Photo courtesy of Migrant Workers Office

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakahanda ito na bigyan ng kinakailangang tulong ang mga Pilipino tulad ng undocumented OFWs sa US, na maaaring mapasama sa mass deportation ng Trump Administration.

Ayon sa DMW, tinatayang 370,000 ang undocumented Filipino immigrants sa Amerika na posibleng maapektuhan ng mass deportation policy ng Trump Government.

Batay sa tala ng DMW, umaabot sa mahigit 3,500 Pilipino ang naipadeport sa nakaraang termino ni Donald Trump noong 2017 hanggang 2020.

Sinabi pa ng DMW, na makakatuwang nito ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-agapay sa deportees.

May nakahanda anilang financial, medical, at legal assistance para sa deportees sa pamamagitan ng AKSYON at Emergency Repatriation Fund ng DMW.

Tutulong din anila ang DMW kasama ang iba pang ahensya para sa job retooling, reskilling, at employment facilitation ng mga apektadong Pinoy.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *