Mga used teabags, ginawang miniature paintings ng isang artist sa US
Isang visual artist sa New York USA ang ginawa o nirecycle ang mga gamit na teabags bilang miniature paintings.
Sinimulan ni Ruby Silvious, isang graphic designer ang kaniyang mga obra, tatlong taon na ang nakalilipas.
Dahil paborito niyang pastime ang pagpipinta at pag-inom ng tsaa, sinimulan ni Silvious ang proyektong tinawag niyang “363 days of tea” kung saan ginagawa niya ang mga nagamit nang teabag bilang maliliit na piraso ng canvass.
Sa loob ng 363 araw, nagsilbing diary ni Ruby ang pagpipinta sa mga teabag kung saan ini-express niya ang kaniyang mararamdaman at kaniyang mga naiisip.
Mula nang malaman ng mgakabigan at pamilya ni Ruby ang proyekto, nagsimula silang magpadala dito ng mga teabags na may iba’-ibang sukat at hugis.
Naisip rin ni Ruby na isama ang mantsa ng tsaa sa mga nagamit nang teabag sa kaniyang mga disenyo gaya ng mga mug, payong at mga detalyadong portraits at landscapes.
=== end ===