Mga vaccination site sa Mandaluyong City isasara pansamantala para sa disinfection
Sarado ng ilang araw ang mga vaccination areas sa Mandaluyong City para sa isasagawang disinfection.
Sa abiso mula sa city government, isasara mula April 2, Biyernes hanggang April 4, Linggo ang apat na vaccination sites sa Mandaluyong
Ang mga ito ay ang Andres Bonifacio Integrated School, Isaac Lopez Integrated School, Hulo Integrated School at Pedro P. Cruz Elementary School.
Ito ay para matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga nasabing lugar na pinagdarausan ng COVID-19 vaccination.
Magbubukas ang mga vaccination areas sa Lunes, Abril 5.
Samantala, lagpas na sa 1,000 ang aktibong kaso ng COVID sa Mandaluyong matapos na madagdagan ng 153 bagong kaso sa huling araw ng Marso.
Gayunman, may bagong gumaling na 108 pasyente kaya mahigit 7,700 na ang recoveries sa lungsod.
Moira Encina