MGCQ sa Enero posible ayon sa DOH
Suportado ng Department of Health ang target ng pamahalaan na mailagay na sa Modified General Community Quarantine ang lahat ng lugar sa bansa sa unang bahagi ng 2021.
Paliwanag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire, kung hanggang sa katapusan mg Disyembre ay magagawa ng bawat local government units ang pagkakaroon ng gate keeping indicators ay posible ang MGCQ sa unang bahagi ng susunod na taon.
Kung bawat LGU kasi aniya ay may mga aksyong ginagawa para makontrol ang transmission ng COVID-19 ay mapipigilan ang pagkalat ng virus.
Dagdag pa ng opisyal, kung mailalagay sa MGCQ ang bansa ay masakaka adopt na ang lahat sa tinatawag na new normal.
Ang kailangan lamang aniya ay masunod parin ang mga ipinatutupad na pag- iingat laban sa COVID-19.
Ang MGCQ ang pinakamababa sa community quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan bilang pag-iingat laban sa virus.
Sa ngayon ang Metro Manila ay nasa General Community Quarantine pa kasama ang ilang lungsod at lalawigan habang ang iba ay nasa MGCQ na.
Madz Moratillo