MIAA nagdonate ng kagamitan sa mga biktima ng sunog sa Sucat, Parañaque

Photo courtesy: MIAA
Upang magkaroon ng kapakinabangan ang unclaimed Lost and Found items mula sa NAIA terminals, na inabot na ng halos anim na buwang nakatengga, ay personal iyong ipinamahagi ng mga tauhan ng Manila International Airport Auhtority o MIAA, sa mga naging biktima ng sunog sa Parañaque City.

Photo: MIAA
Nagkaroon ng sorting sa unclaimed lost and found belongings upang maging patas ang nilalaman ng goody bags sa bawat mabibigyan nito.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, umabot sa 465 na indibidwal ang nabigyan ng goody bag na naglalaman ng unclaimed lost and found items gaya ng damit, bag, sapatos at pagkain.

Photo: MIAA
Tiniyak naman ng MIAA, na lahat ng kanilang ipinamigay ay pasok sa 6-month Retention Period at nakatakda nang i-donate sa alinmang charitable institution at mga nasunugan.
Archie Amado