Miami Heat guard Tyler Herro, binigyan ng Sixth Man of the Year Award
Inanunsiyo ng liga na pinangalanan ng NBA ang sharpshooter ng Miami Heat na si Tyler Herro, bilang Sixth Man of the Year para sa 2021-22.
Si Herro ay halos nagkakaisang napili para sa parangal, na nakatanggap ng 96 mula sa posibleng 100 first-place votes mula sa isang panel ng 100 sportswriter at broadcaster. Nakaipon siya ng 488 kabuuang puntos para makuha ang karangalan.
Pumangalawa naman sa puwesto ang Cleveland Cavaliers forward na si Kevin Love na nakakuha ng 214 points (tatlong first-place votes), third place ang forward na si Cameron Johnson ng Phoenix Suns na nakakuha ng 128 points (isang first-place vote).
Ayon kay Herro . . . “We’re trying to win a championship here, so whether it’s starting or coming off the bench for me, I accepted that role. I’m just happy to be on this team and happy to accept my role.”
Ang 22-anyos na si Herro ang unang manlalaro ng Heat na nakakuha sa nasabing award at ika-limang manlalaro pa lamang na nagkaroon ng average na hindi bababa sa 20 points (off the bench) – nakapaglaro na siya ng minimum na 50 games.
Si Herro, ang No. 13 overall pick sa 2019 NBA Draft, ay tumulong sa paggiya sa Miami sa 53-29 record at ang No. 1 seed sa Eastern Conference ngayong season. Ang Heat ay kasalukuyang nangunguna sa Philadelphia 76ers 1-0 sa East semifinals.