Michelin ipinakilala na ang 62 bagong ‘starred’ French restaurants
Inilunsad na ng Michelin Guide ang taunan nilang talaan ng best French restaurants, na pinupuri ang “cultural dynamism” ng isang bagong henerasyon ng chefs, ngunit muli ay iilan lamang ang pinarangalang babae.
Dalawang French restaurant ang nakakuha ng pinakamataas na ‘three stars’ sa taunang seremonya, na ngayong taon ay ginanap sa Loire Valley city ng Tours: ito ay ang Le Gabriel sa Paris at La Table du Castellet sa southern Provence region.
A total of 62 restaurants will receive a star — most for the first time / ALAIN JOCARD / AFP
Kabuuang 62 restaurants ang nabigyan ng kahit man lang isang star, na karamihan ay napasama sa Michelin sa unang pagkakataon, kabilang ang 23 na wala pang isang taon simula nang magbukas.
Ang Espadon sa Ritz sa Paris ay nakakuha ng isang star para sa ‘innovative Africa-inspired’ cooking ni chef Eugenie Beziat.
Sa patuloy na pangingibabaw ng mga lalaki sa industriya, si Beziat ay isa sa anim na babae na nakakuha ng isang star.
Aniya, “Hopefully I’m here to inspire (other women) but I don’t have the answers. Everyone has a place in my kitchen as long as they work hard.”
Sa kaniyang pagsasalita sa entablado, sinabi ni Michelin Guide director Gwendal Poullennec, “There are too few women at the head of kitchens despite their being more and more numerous in culinary schools and restaurant teams. It’s a reality we deplore, but I remain hopeful about ‘the strong initiatives’ to promote talented young women.”
Fabien Ferre won praise for his ‘deep and punchy sauces’ / GUILLAUME SOUVANT / AFP
Ang La Table du Castellet, na nakatutok sa locally-sourced seafood at mga gulay, ang nasa top rank sa unang taon nito sa ilalim ni Fabien Ferre. Sa edad na 35, siya na ngayon ang pinakabatang chef sa France na may tatlong Michelin stars.
Sinabi ng naluluhang si Ferre, “Age doesn’t matter. Life is made of failures. I’ve had them and yet I’m here being crowned… you have to fight.”
Ipinagdiwang ng Michelin Guide ang kaniyang “perfectly executed creative dishes” at “deep and punchy sauces.”
Banctel was in tears over his three stars / GUILLAUME SOUVANT / AFP
Ang Le Gabriel ay isang ekslusibong kainan malapit sa Champs-Elysees sa Paris na inspired sa Brittany na pinagmulan ng head chef nito na si Jerome Banctel, kung saan ang dinner menu ay nagsisimula sa 278 euros.
Pinuri ng Michelin ang “cosmopolitan alchemist skills” ni Banctel, partikular ang kaniyang lobster na niluto sa binchotan (isang carbon na normal na ginagamit sa Japanese cooking), almond praline at peach na may verbena.
Sinabi ni Banctel, “All these years of working without any recompense and moments of self-doubt. I couldn’t wait for the tears and cries of joy when I walked back into the kitchen.”
Mayroon na ngayong 30 restaurants sa France na may tatlong stars, 75 na may dalawa, at 534 na may isa.
Marami ang pinarangalan para sa kanilang ‘sustainable, locally-sourced cuisine.’
Ayon kay Poullennec, “French gastronomy is no longer stuck in the past. There is a very clear emphasis on the ‘terroirs’ — the local agricultural fabric.”
Sa nagdaang dalawang linggo ay inanunsyo rin ng Michelin ang demotions, na ginawa ng mas maaga upang maiwasan ang anomang bitterness sa seremonya.
Kabuuang 28 ang inalisan ng isang star ngayong taon, kabilang ang isang three-star establishment.
Ang taunang seremonya ay naging isang ‘touring affair’ sa paligid ng France mula nang magkaroon ng Covid-19 pandemic, na ang dalawang huli ay ginawa sa Strasbourg at Cognac.
Patunay ito ng pagdami ng ‘best restaurants’ sa France sa labas ng Paris, kung saan karamihan sa nabigyan ng bagong stars nitong nakalipas na mga taon ay regional eateries.
May 40 maliliit na munisipalidad at nayon ang nagkaroon na rin ng Michelin star restaurant sa bagong edisyon.
Sa kalipunan ng top chefs, ang Michelin Guide ay kinatatakutan at binabatikos din kung gaano ito nirerespeto.
Ang ‘anonymous reviewers’ nito ay maaaring bumuo o magwasak ng mga reputasyon, na may napakalaki namang epekto sa ‘fragile bottom lines of restaurants.’
Sinimulan ng Tyre-manufacturing brothers na sina Andre at Edouard Michelin ang una nilang guide noong 1900, upang himukin ang mga motorista na tuklasin ang mga restaurant sa paligid ng France.
Simula noon ay lumawak na ito sa 45 mga destinasyon sa buong mundo, at ngayong taon ay ilulunsad na nila ang katulad na guide para sa mga hotel.