Micronutrient deficiency, malulunasan sa pamamagitan ng pagkain ng gulay at prutas – ayon sa DOST-FNRI….Programang gulayan sa bakuran ng INC, pinuri
Nagpapatuloy ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang sa Buwan ng Nutrisyon ngayong buwan kung saan ang tema ay “ Ugaliing magtanim, Sapat na nutrisyon, Aanihin”.
Isa ang Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute o DOST-FNRI sa mga nagsasagawa ng programa at aktibidad kaugnay ng selebrasyon.
Ito ay upang mabawasan ang suliranin sa Micronutrient Deficiency na nararanasan ng isang indibidual lalo na sa panig ng mga bata.
Isa umano ang programang Home Gardening na makatutulong sa nabanggit na suliraning pangkalusugan.
Dr. Mario V. Capanzana, Director, DOST-FNRI
“Nakita natin uung proportion na bumababa ung kumakain ng mga gulay at mga prutas, so alam natin na ang pagkain ng prutas at gulay ay makakatulong sa pag -improve nung mga tinatawag nating Micro-nutrient deficiency, so taong ito pinaglaanan natin ang kaalaman o paguusapan ang tungkol sa home gardening, ang sa urban at saka sa rural.”
Samantala, maging ang Iglesia Ni Cristo ay may programa rin upang makatulong sa paglutas sa malnutrisyon na tinawag na “Gulayan sa Bakuran”
“Napakaganda nun sila ay aming katuwang dito dahil dapat sama sama tayong nagtataguyod, ng mga programa lalong lalo na para sa community –so—kami ay natutuwa – at ito ay inyong naging bahagi at kung kami ay may maitutulong, kami naman ay nakalaan magbigay kung anong mang tulong meron kami – mga kaalaman, mga impormasyon, mga training kung paano ang tamang gulayan.”
Ulat ni Belle Surara