Microsoft muling magbabawas ng empleyado
Naghahanda na ang Microsoft na muling magbawas ng trabaho mula sa kanilang global workforce, habang ang iba pang tech giants ay patuloy din sa pagbabawas upang maka-agapay sa mahirap na kondisyon ng ekonomiya.
Ayon sa report, ngayong Miyerkoles ay sisimulan na ng computer industry stalwart na mag-anunsyo ng layoffs sa kanilang engineering divisions.
Sinabi naman ng isang tagapagsalita ng Microsoft, na hindi magkokomento ang kumpanya sa aniya ay isang “rumor.”
Noong isang taon ay dalawang ulit na nagbawas ng mga empleyado ang Washington state-based company, kung saan sinabi ng industry trackers na higit sa 220,000 mga manggagawa nila ang natanggal.
Ang bagong layoff announcement ay mangyayari isang linggo bago mag-ulat ang Microsoft tungkol sa kanilang kinita para sa huling tatlong buwan ng 2022.
Sa kaniyang note sa investors ay sinabi ng Wedbush analyst na si Dan Ives, “Over the last few weeks we have seen significant headcount cut reduction from stalwarts Salesforce and Amazon. Many of these companies were spending money like 1980’s Rock Stars and now need to reign in the expense controls ahead of a softer (macro-economic conditions).”
Ayon kay Ives, inaasahan ng Wedbush na magbabawas pa ng panibagong 5-10 percent ng kanilang staff ang tech sectors.
Sa unang bahagi ng Enero, ay inanunsiyo ng Amazon na plano nitong magbawas ng higit sa 18,000 mga trabaho mula sa kanilang workforce, banggit ang “uncertain economy.”
Ang planong pagbabawas ng trabaho ay ang pinakamalaki sa mga nangyaring tanggalan kamakailan, na nakaapekto sa dati ay “unassailable” US tech sector, kabilang ang mga higante tulad ng Meta na may-ari ng Facebook.
Sa kaniyang pahayag sa staff ay sinabi ni CEO Andy Jassy, na ilan sa Amazon layoffs ay mangyayari sa Europe, at idinagdag na ang mga manggagawang maaapektuhan ay sasabihan na simula ngayong araw, January 18.
Ang major platforms na may isang advertising-based business model ay nahaharap sa “budget cuts” mula sa advertisers, na nagbabawas ng paggasta bunsod ng inflation.
Noong Nobyembre ng nakalipas na taon, ay inanunsiyo ng Meta na nawalan sila ng 11,000 trabaho o humigit-kumulang 13 percent ng kanilang workforce. Sa pagtatapos ng August, ay nagbawas naman ang Snapchat ng halos 20 percent ng kanilang mga empleyado o humigit-kumulang 1,200 katao.
At sa mga unang bahagi nitong Enero, inanunsiyo rin ng IT group na Salesforce, na tatanggalin nila ang humigit-kumulang sa 10 percent ng kanilang mga kawani, o kulang-kulang 8,000 katao.
Noong Oktubre ay binili ng bilyonaryong si Elon Musk ang Twitter, na agad na nagtanggal ng halos kalahati ng 7,500 mga empleyado ng naturang social media platform.
Nagbitiw naman ang hindi ba mabatid na dami ng mga empleyado, bilang protesta sa ginawang pagbabago ni Musk sa mga polisiya.
© Agence France-Presse