Migratory birds, posibleng pinagmulan ng Bird flu outbreak / 7 km radius sa isang barangay sa San Luis, Pampanga, isinailalim na sa kontrol para sa pagkatay ng 200 libong mga poultry animals

Hinihinalang sa mga migratory birds nagmula ang pagkalat ng bird flu virus sa San Luis, Pampanga.

Ito ang naging pahayag ng Bureau of Animal Industry.

Kaugnay nito, pina-iiwas at pinag-iingat ng Department of Environment and Natural Resources – Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) ang publiko na magkaroon ng ‘contact’ sa mga migratory birds na dumarayo sa bansa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sinabi ni  DENR-BMB Director Mundita Lim, lalong hindi dapat katayin ang migratory birds dahil sa bantang mas kumalat ang bird flu mula sa ‘human contact’.

Sa buwan aniya ng Septyembre magsisimulang duamting ang mga migratory birds sa Pilipinas at aalis ang mga ito sa Marso ng 2018.

Payo rin ni Lim sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad at i-report agad sa regional office ng Department of Agriculture kapag may makitang patay, nanghihina, o maaaring may sakit na migratory bird upang mapigilan ang paglaganap pa ng sakit.

Nagdeklara na rin ng 7-kilometer controlled zone” ang Agriculture Department kung saan aabot sa 200 libong manok, pato, pugo, kalapati at mga tandang sa San Luis, Pampanga ang nakatakdang katayin.

Hindi na rin papayagang maglabas ng mga itlog mula sa controlled area at lahat ng mga sasakyang magmumula sa nasabing lugar ay kailangang bombahan ng disinfectant.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *