Milwaukee Bucks wagi laban sa Brooklyn Nets
LOS ANGELES, United States (AFP) – Nakaiskor ng 36 points si Giannis Antetokounmpo, sa 124-118 win ng Milwaukee Bucks laban sa Brooklyn Nets.
Naging maganda ang heavyweight showdown sa pagitan ng Eastern Conference rivals, dahil nagpakitang gilas kapwa ang magkalabang koponan hanggang sa madomina ng Bucks ang laro sa final quarter.
Pinangunahan ni Antetokounmpp ang Milwaukee at gumawa ng 12 rebounds, 4 na assists at 5 turnovers para selyuhan ang panalo ng Bucks.
Dahil sa naturang panalo, namalagi sa third place ang Milwaukee.
Nag-ambag naman kapwa ng 23 points sina Jrue Holiday at Khris Middleton, habang si Bryn Forbes ay nakagawa naman ng 14 points.
Kabuuang 70 points ang naiambag nina Kevin Durant at Kyrie Irving para sa Brooklyn, habang absent pa rin si James Harden.
Si Irving ay nakagawa ng 38 points, si Durant ay 32, habang si Joe Harris ay nag-ambag ng 12 points, si Jeff Green ay 10 points at 10 points din ang naibahagi ni Mike James.
Samantala, minaliit lamang ni Antetokounmpo ang halaga ng naging panalo ng Milwaukee nitong Martes, na kasunod lamang ng naging panalo nila laban sa Nets nitong Linggo.
Ayon kay Antetokounmpo . . . “Great win, and I’m happy that we were able to put on a show for our fans and build good habits from those games, but that’s all. They don’t mean nothing. Nobody’s going to remember these games when we’re in the playoffs.”
@ agence france-presse