Milyun-milyong Nigerians nagugutom, habang ang mga pagbaha ay lalo pang nagpahirap sa kanilang sitwasyon

Zainab Abubakar eats cooked food with her children at Gubio IDP camp in Maiduguri, Nigeria October 28, 2024. REUTERS/Abraham Achirga

Hindi na halos mapakain ng mga Nigerian sa hilagang-silangan ng Borno State ang kanilang pamilya dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga presyo at isang malupit na insurhensiya.

Nang mag-collapse ang isang dam noong Setyembre, binaha ang kabisera ng estado at nakapaligid na mga bukirin kaya marami ang nawalan nang mapagkukunan.

Ngayon ay nakikipila sila para sa mga handout sa mga kampo na para sa mga na-displace ng labanan sa pagitan ng rebeldeng Boko Haram at ng militar.

Mariam Hassan, who was displaced by flood shelles cowpeas, as she sits outside her shelter in Banki, in Maiduguri, Nigeria October 30, 2024. REUTERS/Abraham Achirga

Kapag naubos, ay maghahanap sila ng trabaho sa local farms kung saan lantad sila sa panganib na mapatay o mapagsamantalahan ng mga bandido.

Sinabi ni Indo Usman, na nagtangka na muling magsimula sa kapitolyo ng estado sa Maiduguri, sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mga hayop, makaraan ang ilang taong paulit-ulit na pagtakas sa pag-atake ng mga rebelde sa Borno, “I can’t even cry anymore. I’m too tired.”

Ayon sa Food and Agriculture Organization of the United Nations, ang napakalakas na mga pag-ulan at baha sa 29 sa 36 na mga estato ng Nigeria ngayong taon, ay sumira ng mahigit 1.5 milyong ektaryang pananim, na nakaapekto sa mahigit siyam na milyong katao.

Women being profiled with biometric machines to collect food items at Pulka IDP in Maiduguri, Nigeria October 29, 2024. REUTERS/Abraham Achirga

Ang pagbabago ng klima ay isa sa dahilan, gayundin ang hindi namamantini o hindi umiiral na imprastraktura ng Nigeria pati na rin ang mga kahinaan na dulot ng pagbaba ng halaga ng pera ng bansa at ang pag-aalis ng gobyerno sa subsidiya sa gasolina.

Dumoble, nag-triple at apat na beses na tumaas ang halaga ng pangunahing pagkain gaya ng bigas at beans sa loob ng isang taon, depende sa lokasyon. Isang lubhang nakagugulat na pangyayari para sa milyun-milyong mahihirap na pamilya.

Ang malawakang kidnapping for ransom sa hilagang-kanluran at salungatan sa pagitan ng mga magsasaka at pastoralista sa central belt, na tradisyunal na siyang bread basket ng bansa, ay gumambala sa agrikultura at pumiga sa mga suplay ng pagkain.

A woman displaced by the floods receives a bag of rice, in Baga road, Maiduguri Nigeria October 31, 2024. REUTERS/Abraham Achirga

Batay sa pagtaya ng World Bank, Humigit-kumulang 40% ng higit sa 200 milyong katao ng Nigeria ang namumuhay ng below international poverty line na $2.15 bawat tao bawat araw.

Nasa 25 milyong tao na ang nabubuhay sa matinding kawalan ng katiyakan sa pagkain at nutrisyon, at inilalagay ang kanilang buhay o kabuhayan sa agarang panganib, ayon sa pinagsamang pagsusuri ng gobyerno at mga ahensiya ng U.N.

Ang nabanggit na bilang ay inaasahang tataaas sa 33 milyon sa susunod na June-August period.

Sinabi ng pinuno ng programa para sa northeast sa World Food Programme na si Trust Mlambo, “The food crisis in Nigeria is immense because what we are seeing is a crisis within a crisis within a crisis.”

Aniya, “With international donors focused on emergencies in Gaza, Ukraine and Sudan, there was not enough funding to fully meet Nigeria’s growing need for food aid. We are really prioritising the hungriest of the hungry.”

Women displaced by flood, wait to receive a bag of rice each and blankets at Baga road, Maiduguri, Nigeria October 31, 2024. REUTERS/Abraham Achirga

Sa Borno, ang Alau dam, ay bumigay noong Sept. 9, apat na araw makaraang sabihin ng state officials na naka-secure iyon.

Nagbabala naman ang mga lokal na residente at mga inhinyero na ang dam ay “under strain.”

Daan-daang katao ang namatay sa bahang idinulot ng pagko-collapse ng dam ayon sa aid workers na ayaw magpakilala sa pangambang ma-offend nila ang state government. Hindi naman tumugon ang isang tagapagsalita para sa state government nang hingan ng komento.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *