Milyun-milyong pato babakunahan ng France laban sa bird flu
Sinimulan ng France nitong Lunes, ang vaccination campaign ng Europe laban sa bird flu sa mga pato, sa pag-asang mapipigilan nito ang maramihang pagpuksa sa milyun-milyong ibon na lubha nang nakaapekto sa industriya nitong nagdaang mga taon.
Sinabi ni Jocelyn Marquerie, poultry chief sa SNGTV farm vets association, “There’s high pressure from the virus, but vaccination should mean we only face individual cases, avoiding the tidal wave sweeping through farms.”
Ang dalawang shot ng bakuna para sa mga batang pato na magsisimula kapag sila ay 10-araw na ang gulang, ay obligadong ibigay sa bird farms na nag-aalaga ng higit sa 250 umpisa ngayong Oktubre.
Ang duck sector ng France na pinagkukunan ng atay para sa foie gras o kaya ay karne, ay lubhang sensitibo sa virus.
Bago pa man lumitaw ang mga sintomas ay nagkakasakit na ang mga ibon kaya’t kumakalat ito nang hindi napapansin.
Ang poultry population ng France ay dumanas ng wave ng bird flu noong 2015-17, at sinundan ng halos tuloy-tuloy na outbreaks hanggang 2020 bagama’t sa ngayon ay wala namang “disease hotspots.”
Ang pagkakadiskubre sa isang kaso ay mangangahulugan ng maramihang pagpuksa sa buong farm at sa ibang kalapit nito, na nagreresulta upang maantala ang produksiyon at nagdudulot ng malaking kalugihan para sa farmers.
Kuwento ni Thierry Dezes na nag-aalaga ng mga pato sa southwestern Landes region, “I’ve been caught up in four culls since 2016. I hope we’ll get back to being unscathed. (Vaccination) has to work!”
Plano niya na pabakunahan ang may 5,000 mga batang pato.
A photograph shows slices of foie gras on the first day of the national duck vaccination campaign, in Labarthete, southwestern France, on September 2, 2023. The vaccination of ducks against bird flu is a “ray of hope” for foie gras producers, hailed the organization that federates them September 2, 2023 on the first day of the campaign to immunize tens of millions of ducks against the virus. (Photo by Valentine CHAPUIS / AFP)
Inaasahan ng mga beterinaryo na makapagbabakuna sila ng humigit-kumulang sa 60 milyong mga pato pagdating ng panahon ng tag-init sa susunod na taon.
Ang unang 80 milyong doses ay magmumula sa pharmaceutical company na Boehringer Ingelheim, ibig sabihin kailangang humikayat pa ang gobyerno ng tenders para sa dagdag na suplay.
Subali’t ang kampanya ay tila magkakaproblema.
Sinabi ng isang farmer sa Landes region na ayaw magpabanggit ng pangalan upang maprotektahan ang kaniyang negosyo, na may mga customer nang tumawag sa kaniya upang ipabatid na ayaw nila ng karne mula sa mga patong bakunado.
Sa export markets naman ay may pangamba na ang imunisasyon ay maaaring ipantakip sa hindi napapansing pagkalat ng bird flu sa populasyon ng mga pato.
Nagpahayag ang isang senior official sa ministry of agriculture ng Japan, na sususpindihin ng Tokyo ang importasyon ng French poultry products sa sandaling magsimula na ang vaccination campaign.