Mindanao Art Fair, pormal nang binuksan sa publiko
Pormal nang binuksan sa publiko ang pinakamalaking Art Fair sa Mindanao, na tinawag na Mindanao Art Fair 2021.
Tampok dito ang artworks na gawa ng nasa 300 artists na lumahok mula sa iba’t-ibang panig ng Mindanao.
Pinangunahan ang aktibidad na ito ng Lawig Diwa sa pakikipag-ugnayan sa National Commission on Culture and the Arts National Committee on Art Galleries o NCCA-NCAG, na may temang Art in Between: Mindanao Art in Liminal Space.
Dahil sa pandemya, ipinagbabawal pa rin sa lungsod ang mass gatherings, kaya ginawa nilang kumbinasyon ng virtual at physical ang exhibition ng naturang art fair, dahil ang ilan sa mga aktibidad ay gagawin sa pamamagitan ng online platform.
Makikita ang mga art display sa Poblacion Market Central sa Bangoy st., Davao City na bukas sa buong buwan ng Oktubre mula alas-9:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon.
Kailangan lamang na bago pumunta sa lugar ay humingi muna ng appointment sa pamamagitan ng kanilang website na www.mindanaoart.org at sa kanilang FB page na Mindanao Art.
Noreen Ygonia